Panukalang magpapalawig sa pagpapatupad ng subsidized electricity rate, lusot na sa Bicameral Conference Committee

Inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee ang panukalang batas na magpapalawig sa pagpapatupad ng subsidized electricity rate na pakikinabangan ng tinatayang limang milyong mahihirap na electric consumer o households.

Ayon kay Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian, naplantsa na ang mga hindi magkakatugmang probisyon sa naipasang bersyon ng Senado at Kamara ukol sa panukalang extension ng lifeline rate.

Sinabi ni Gatchalian na ngayong darating na Hunyo na magtatapos ang lifeline rate pero itinatakda ng panukalang batas na mapalawig pa ito hanggang sampung taon.


Inaasahang sa Lunes ay raratipikahan na ng Senado ang Bicam report sa panukalang extension ng subsidized electricity rate.

Facebook Comments