Inihain ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang Senate Bill No. 29 o ang panukala na magpapataw ng kaparusahan sa mga anak na magpapabaya sa kanilang mga magulang.
Inaatasan ng Parents Welfare Act of 2019 ang mga anak na magbigay ng kinakailangang suporta sa kanilang mga magulang na matatanda na at maysakit pa.
Ang mga magulang na pababayaan ng kanilang mga anak ay maaring dumulog sa korte sa tulong ng Public Attorney’s Office.
Ang mga na mapapatunayan na nagpabaya sa kanilang mga magulang ng walang sapat na dahilan ay maaring maharap sa anim na buwang pagkakakulong at multang 100,000-pesos.
Samantala, dumagsa naman sa harap ng gate ng senado at nagsagawa ng prayer rally ang mga grupong kontra sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality o SOGIE Bill.
Bitbit nila ang mga karatula na nagsasabing no to sogie bill at yes to family.
Katwiran nila, mahal at nirerespeto na ngayon ang mga nabibilang sa lgbt community kaya hindi na kailangan pang ipasa ang sogie bill.