Isinulong ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez ang panukalang parusahan ang hoax kidnapping.
Sa inihain nitong House Bill No. 539, layon nitong parusahan ang pagsasagawa ng pekeng o planadong kidnapping na layong makakubra ng ransom money mula sa pamilya o ibang mga personalidad.
Posibleng namang makulong ang mga sangkot sa hoax kindapping ng anim na buwan hanggang anim na taon at pagmumultahin ng P1,000 hanggang isang milyong piso.
Ayon kay Fernandez, nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 35 na kaso ng hoax kidnapping mula 2017 hanggang 2019.
Paliwanag ng mambabatas, may mga anak na gusto nilang kuhanan ng pera ang kanilang mga mamayang magulang kaya kukuntsabahin nito ang mga barkada upang bumuo ng isang kidnapping incident.
Sa ngayon kasi ay sinasampahan lamang ng kasong Fraud o panloloko ang mga nagpapanggap na biktima ng kidnapping na hanggang anim na buwan lamang ang parusa at hindi nakabatay sa cost of damage ang multa nito.