Panukalang magpapatatag sa sistema ng Early Childhood Care and Development, aprubado na sa House Committee

Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Pasig City Representative Roman Romulo ang substitute bill sa House Bill 8393 na naglalayong patatagin ang Early Childhood Care and Development (ECCD) system ng bansa.

Isinusulong ng panukala ang karapatan ng mga bata na mabuhay sa isang malusog at tuloy-tuloy na programa sa nutrisyon, age-appropriate development, at special protection.

Sa ilalim ng panukala ay magiging mandato ng ECCD Council ang pagiging responsable para mga batang limang taon pababa ang edad.


Ang responsibilidad naman na tulungan na maturuan ang mga bata sa kanilang paglaki sa pagitan ng lima hanggang walong taon ay ipamamahala sa Department of Education (DepEd).

Pinagtitibay rin ng panukala ang papel ng mga magulang bilang mga pangunahing tagapag-alaga at bilang unang mga guro ng kanilang mga anak.

Facebook Comments