Sa botong pabor ng 255 na mga kongresista kung saan tatlo lamang ang tumutol ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill number 4102 o panukalang magpapataw ng ₱100 excise tax sa kada kilo ng single-use plastic bags.
Kasama rito ang mga plastic na yari o gawa sa synthetic or semi-synthetic organic polymer tulad ng ‘ice,’ ‘labo,’ o ‘sando’ bags, may handle man o wala na gamit sa packaging ng iba’t ibang produkto.
Base sa panukala, ang buwis ay itataas ng apat na porsyento kada taon simula January 1, 2026.
Ang House Bill 4102 ay pinagsamang panukala na inakda nina Congressmen Joey Salceda, Horacio Suasing at Mikaela Angela Suansing.
Ang kikitain dito ito ay ilalaan sa mga programa ng Department of Environment and Natural Resources alinsunod sa Ecological Solid Waste Management Act.