
Inaprubahan na ng House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang pinagsama-samang panukala para sa “Bagong Balikbayan Act,” na layuning magpatupad ng komprehensibong programa para sa mga umuuwing Overseas Filipino Worker o OFW.
Nakapaloob sa panukala ang pagsasagawa ng job fairs, entrepreneurship at livelihood development programs, skills training, low-interest loans, at tax incentives para sa mga negosyo ng OFWs.
Inuutos din ng panukala ang pagkakaroon ng social protection mechanisms upang matiyak na kasama sa programa ang ofws na napauwi dahil sa kaso ng illegal recruitment, job displacement, at health issues.
Diin naman ni OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino na syang pangunahing may-akda ng panukala, panahon na para maisabatas ang panukala dahil hindi sapat at hindi pangmatagalan ang kasalukuyang sistema upang tunay na makapagsimulang muli ng buhay sa Pilipinas ang ating mga OFW.









