Inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Senado ang Senate Bill No. 2238 o ang panukalang magre-regulate sa paggamit at pagkonsumo ng Vaporized Nicotine Products (VNP) gaya ng vape at heated tobacco.
Sa ilalim nito, hindi papayagang bumili ng VNP ang mga menor de edad mapa-online man o sa mga pisikal na tindahan.
Required naman ang mga retailer at distributor na magparehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Habang ban din ang mga artista at social media influencers na mag-endorso ng mga ganitong produkto.
Katwiran ni Recto, bagama’t magandang alternatibo para matigil sa paninigarilyo, mapanganib at maaari pa ring magdulot ng banta sa kalusugan ang paggamit ng mga VNP.
Facebook Comments