Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6558 o panukalang Real Property Tax and Assessment Reform na isa sa mga priority legislative measures na binanggit ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
254 na mga kongresista ang bomotong pabor habang apat ang komontra sa panukala na nagtatakda ng pagkakaroon ng iisang valuation base para sa assessment ng real property-related taxes sa bansa.
Sa pamamagitan ito ng pag-adopt sa tinatawag na Schedule of Market Values o SMV na pamamahalaan at aaprubahan ng Bureau of Local Government Finance sa ilalim ng Department of Finance.
Ang itatakdang valuation standards ay dapat umaayon sa Internationally-Accepted Valuation Standards and Principles.
Inaatasan ng panukala ang provincial city, and municipal assessors, kasama ang lone municipal assessor sa Metropolitan Manila Area na i-update ang kanilang SMV.
Gagawin ito dalawang taon matapos maisabatas ang panukala at kada tatlong taon.
Nakapaloob din sa panukala ang paglikha ng isang komprehensibo at updated na electronic database para sa lahat ng mga transaksyon sa real estate sa bansa.