Panukalang magtalaga ng Mobilitiy Czar o Traffic Czar lusot na sa committee level ng Senado

Inaprubahan na ng Senate Committee on Public Services at Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ang panukalang Mobility Act of 2019 o Senate Bill 1157.

 

Itinatakda ng panukala ang pagtatalaga ng Mobility Czar o Traffic Czar na mangunguna sa pagresolba sa transport at traffic crisis sa Metro Manila, Metro Cebu at Davao City.

 

Nakapaloob sa panulala ang paglikha ng Office of the Mobility Czar na tutukoy sa mga problema sa transportasyon tulad ng trapiko at bubuo ng action plan.


 

Magiging saklaw ng kapangyarihan ng traffic czar ang magpabukas ng mga pribadong lansangan sa mga village at subdivision para madaanan ng mga public at private vehicles.

 

Gayundin ang pagpapakilos sa mga ahensya ng gobyerno, at pagpapatupad ng mga bagong ruta ng jeep, bus, taxi at ng iba pang pumapasada.

 

Pwede din nitong ipaapura ang pagbili sa mga right of way para sa infrastructure project ng gobyerno.

Facebook Comments