Panukalang magtataas ng buwis sa sigarilyo, pirmado na ni PRRD

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magtataas ng buwis sa mga produktong sigarilyo.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Kahapon lang nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11346.


Sa ilalim nito, magiging P45 na ang ipapataw na buwis sa kada pakete ng sigarilyo mula sa kasalukuyang P35.

Sakop din ng batas ang dagdag-buwis sa mga e-cigarettes.

Ang buwis na malilikom ay gagamitin ng gobyerno para mapondohan ang implementasyon ng universal health care law.

Facebook Comments