
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang batas ang panukalang magtatakda ng regulasyon sa mga propesyonal na nagsasanay sa larangan ng agrikultura.
Batay Republic Act No. 12215 o ang Philippine Agriculturists Act, magkakaroon na ng pagsusulit, pagrerehistro, at licensure para sa mga propesyunal at practitioners mula sa agriculture sector, gayundin ang pagbabantay at regulasyon sa pagsasanay ng propesyong agrikultura sa bansa.
Magtatatag din ng isang Professional Regulatory Board of Agriculture na magtatakda ng Code of Ethics, at iba pang panuntunan para sa pagrerehistro at lisensya ng mga agriculturist.
Habang magkakaroon ng pagbabago at pag-upgrade sa curriculum ng kursong Bachelor of Science in Agriculture, at pag-develop ng professional competence ng mga rehistradong agriculturists sa pamamagitan ng Continuing Professional Development, at pag-integrate sa propesyon.
Layon ng batas na gawing globally-competitive at itaas ang standard ng mga Pilipinong agriculture professionals dahil sa kanilang mahalagang ambag sa paglago at pagpapatibay ng bansa.









