
Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na batas na layong palakasin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Sakop nito ang pagtatayo ng bagong national high school at ang pag-convert ng ilang elementary schools bilang integrated schools sa Leyte, Rizal, at Sorsogon.
Sa ilalim ng RA 12256, itatatag ang Doos del Norte National High School sa Hindang, Leyte.
Ang RA 12258 ay para sa Tanay National Science High School sa Rizal.
Ang RA 12257 naman ay nagko-convert sa Alegria Elementary School sa Barcelona, Sorsogon bilang Alegria Integrated School.
Habang ang RA 12259 ay gagawing Patag Integrated School ang Patag Elementary School sa Irosin, Sorsogon.
Lahat ng personnel, kagamitan, at record ng mga paaralang ito ay ililipat sa bagong integrated schools.
Inatasan ng Pangulo ang Department of Education (DepEd) na agad ipatupad ang mga batas, at suportahan ng pondo mula sa national budget.
May 90 araw ang DepEd para bumuo ng implementing rules.









