Panukalang magtatatag ng district office ng DPWH sa Luzon at Visayas, nilagdaan ni PBBM

Courtesy: Presidential Communications Office

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga batas na magtatatag ng mga district engineering offices ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bukidnon, Negros Occidental, Bataan, Bulacan at Iloilo.

Sa bisa ng Republic Act No. 11998 ay lilikha ng Bukidnon Fourth District Engineering Office na matatagpuan sa lungsod ng Valencia.

Pinirmahan din ni PBBM ang RA No. 12002 na lumilikha ng Negros Occidental Fifth District Engineering Office na matatagpuan sa lungsod ng San Carlos.


Kasama rin sa mga pinirmahan ang RA Nos. 12003 at 12004, na lumilikha ng Bataan Third District Engineering Office at Bulacan Third District Engineering Office.

Samantala, nilagdaan din ni Pangulong Marcos ang RA No. 12005, na nagtatatag ng Iloilo Sixth District Engineering Office, na matatagpuan sa munisipalidad ng Pototan.

Ang mga district engineering office ng DPWH ay makakatanggap ng pondo mula sa taunang budget ng national government.

Facebook Comments