Panukalang magtatatag ng Don Mariano Marcos Memorial State University sa La Union, nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Republic Act No. 11978, na nagtatatag ng Don Mariano Marcos Memorial State University-South La Union Campus (DMMMSU-SLUC), isang kolehiyong pangmedisina, sa Agoo, La Union.

Sa ilalim ng R.A. 11978, ang naturang institusyon ang pangunahing mag-aalok ng Doctor of Medicine Program sa lugar kabilang ang Integrated Liberal Arts and Medicine Program.

Ang programa ay binubuo ng kurso sa basic science at clinical courses na gagamitan ng learner-centered, competency-based, at community-oriented approach.


Layunin nito na magkaroon pa ng mga professional physicians na magpapalakas sa healthcare system ng bansa.

Nilagdaan ng pangulo ang naturang batas noong February 15 at magiging epektibo makalipas ang 15 araw ng paglimbag sa Official Gazette at mga pahayagan.

Facebook Comments