Panukalang magtayo ng permanent evacuation, panahon na para maisabatas

Umaasa si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, na agad aaksyunan ng liderato ng Kamara at Senado ang mga panukala para sa pagtatayo ng permanenteng evacuation center.

Sabi ni Castro, dapat ituring na urgent bill at kaagad na maaprubahan ang panukala para maisasama sa 2023 budget ang pondong kailangan para sa pagpapatayo ng mga disaster resilient na mga evacuation centers na makapagligtas pa ng mga buhay tuwing may kalamidad.

Binanggit ni Castro na sa Mababang Kapulungan ay nakahain ang House Bill 5152 o Permanent Evacuation Centers in Every City and Municipality.


Diin ni Castro, ang pananalasa ng Bagyong Paeng ay patunay na kailangan talagang magkaroon ng permanenteng mga evacuation centers sa buong bansa.

Paliwanag ni Castro, dahil sa madalas na pagtama ng kalamidad sa bansa, tulad ng mga bagyo, ay hindi na talaga uubra na mga covered courts, maliliit na barangay hall at eskwelahan ang gawing evacuation centers para sa ating mga kababayan.

Facebook Comments