Panukalang Maharlika Investment Fund, hindi na dumaan sa ratipikasyon ng Senado dahil in-adopt na ng Kamara

Hindi na dumaan sa ratipikasyon ng Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.

Sa sesyon ng Senado, inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dahil tinanggap na ng Kamara ang inaprubahang third reading version ng panukalang sovereign wealth fund ay hindi na kailangan ng ratipikasyon sa panukala.

Paglilinaw pa ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, dahil marami sa media ang nagtatanong kung raratipikahan pa ang panukala, hindi na aniya ito kailangan dahil in-adopt na ng Kamara ang buong revised version ng MIF.


Dahil dito, diretso na sa lamesa ng pangulo ang Maharlika Investment Fund Bill para malagdaan at tuluyang maging ganap na batas.

Sa inaprubahang MIF, ipagbabawal ang paggamit sa pension funds at social security funds na nakapaloob sa SSS, GSIS, PhilHealth, PVAO, OWWA at iba pang trust funds na nasa pag-iingat ng gobyerno.

Hindi rin dapat lumagpas sa 25 percent ang halaga ng assets ng pondong ipapasok sa Maharlika fund ng Land Bank, Development Bank of the Philippines at iba pang government financial institutions.

Facebook Comments