Tiniyak ni House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na may mga safeguard para matiyak na hindi maaabuso ang House Bill 6398 panukalang Maharlika Wealth Fund o MWF.
Tiniyak ni Marcos na hindi mahahaluan ng politika ang MWF at ang paglikha nito ay hindi para sa kasalukuyang administrasyon dahil ang kikitain nito ay gagamitin para sa mga programa at proyekto na national in scale hanggang sa hinaharap.
Diin ni Marcos, walang dapat ipag-alala dahil tanging ang investible funds lang ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang ipampupuhunan sa MWF at hindi gagalawin ang pension ng mga miyembro nito.
Giit pa ni Marcos, nakita ang tagumpay ng MWF sa ibang mga bansa kaya kailangan samantalahin ng Pilipinas ang ating lumalagong ekonomiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sovereign wealth fund.