Suportado ni dating pangulo at ngayon ay House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang panukalang paglikha ng Maharlika Wealth Fund o MWF.
Ayon kay Arroyo, hindi na bago ang “sovereign wealth funds” na meron na Singapore, at mayroon ding mahigit 20 nito sa Middle East habang sa Pilipinas naman ay nauna itong isinulong noong 2016 ni dating Senador Benigno “Bam” Aquino.
Paliwanag ni Arroyo, ang gobyerno ay palaging mayroong pondo para gamitin sa pamumuhnan tulad ng financial assets ng mga Government Financial Institutions o reserba mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Para kay Arroyo, “powerful statement” din na mismong ang pangulo ng bansa ang tatayong chairman ng governing board para sa MWF kaya siya ang mananagot sa mamamayang Pilipino kapag pumaplak ang MWF.
Dagdag pa ni CGMA kapag operational na ang MWF, ay pwede humingi ng payo ang pangulo mula sa Department of Finance (DOF) na pinamumunuan ni Sec. Benjamin Diokno.