Panukalang mahimlay sa libingan ng mga bayani ang mga Filipino sports heroes, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 11229 o panukalang maihimlay rin sa Libingan ng mga Bayani ang mga itinuturing na “Filipino Sports Heroes.”

Ito ay ang House Bill 11229 na layuning kilalanin at bigyang-parangal ang mga bayaning atletang Pinoy na nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

Kabilang dito ang mga atletang Pilipino na nagwagi ng medalya sa Olympics o Paralympics Games, o World Championship sa anumang professional sports competition gayundin ang mga nakapasok sa Philippine Sports Hall of Fame alinsunod sa Republic Act 8757.


Sa ilalim ng panukala ay bubuo ng isang screening committee na pamumunuan ng chairperson ng Philippine Sports Commission o PSC na syang tutukoy sa mga kuwalipikadong atleta na maihihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Facebook Comments