Ang Commission on Elections (COMELEC) na ang bahala kung pahihintulutan nila ang pagsasagawa ng mail voting sa paparating na 2022 Presidential elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, constitutional body ang COMELEC na siyang naatasang magpatupad ng batas at mga regulasyon pagdating sa halalan sa bansa.
Una nang iminungkahi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na payagan ang mga PWDs o Persons with Disabilities, nakatatanda at mga buntis na bumoto via mail.
Sa pamamagitan aniya nito ay tataas ang voters turnout tulad ng naging tagumpay sa halalan sa Estados Unidos at South Korea.
Samantala, hinihikayat ng kalihim ang mga kababayan nating botante na magparehistro.
Paliwanag ni Roque, dapat magparehistro upang pagsapit ng May 2022 ay makaboto na isang obligasyon natin sa bayan.
Nabatid na tatagal ang registration period hanggang September 30, 2021.