Panukalang malibre sa “duties and taxes” ang balikbayan boxes ng OFWs, isinulong sa Kamara

Inihain ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang House Bill 6752 na layuning mailibre na sa lahat ng “duties and taxes” ang halos 400,000 balikbayan boxes kada buwan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang mga Pilipino na nasa abroad.

Sa kasalukuyan, ay nasa P150,000 lang value limit o halaga ng laman ng balikabayan box na libre sa buwis batay sa patakaran ng Bureau of Customs (BOC).

Inaatasan din ng panukala ni Rodriguez ang BOC na gumamit ng “non-intrusive” na mga paraan para sa pag-inspeksyon sa mga dumarating na balikbayan boxes.


Ayon sa panukala, gagamit na lamang ng teknolohiya gaya ng x-ray o o kaya’y sniffer dogs para mainspeksyon ang mga kahon.

Base sa panukala, maari lamang buksan ang balikbayan box kung walang kinaukulang deklarasyon, walang “packing list” o kapag nakakuha ng impormasyon ang BOC na “banned” o ipinagbabawal ang laman ng balikbayan boxes.

Facebook Comments