Panukalang mandatory insurance coverage para sa mga power line workers, pasado na sa Kamara

Sa botong pabor ng 259 mga mambabatas ay nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7561 o panukalang Line Workers Insurance and Benefits Act.

Itinatakda ng panukala ang pagkakaloob sa mga power line worker ng mandatory insurance coverage, retirement benefit, disability benefit, mortuary assistance, at reimbursement ng medical expenses.

Base sa panukala, ang private distribution utilities, electric cooperatives, transmission, at grid operators ang magbabayad ng premium ng life, accident o disability insurance benefit na ibibigay sa mga line worker.


Sa ilalim ng panukala ang insurance coverage para sa line worker na nagtatrabaho sa electric cooperatives ay P200,000 para sa mga small cooperative, P400,000 sa medium-sized, P600,000 sa large, P800,000 sa extra-large, at P1 million sa mega large.

Para naman sa line workers na nagtatrabaho sa transmission o grid operator, ang minimum insurance coverage ay P2 milyon habang P1.5 milyon naman sa mga nagtatrabaho sa private distribution utilities.

Facebook Comments