Panukalang mandatory ROTC, malabo ng maipasa ngayong 17th Congress

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, malabo ng maisabatas ang panukalang mandatory ROTC para sa senior high school bago magsara ang kasalukuang 17th congress sa susunod na linggo.

 

Nitong lunes lamang inihain sa plenaryo ni Subcommittee On Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang committee report ukol sa panukala.

 

Sabi ni Zubiri, sampung senador ang nag-abiso na mag ineterpellate o makipagdebate dito.


 

Paliwanag ni Zubiri, prayoridad nila ngayon ay ang plenary debates para sa panukalang itaas ang buwis sa sigarilyo.

 

Bunsod nito ay bahala na ang papasok na 18th Congress na magpasya kung maisasabatas o hindi ang panukalang mandatory reserve officers’ training corps.

Facebook Comments