Panukalang mandatory SIM card registration bill, muling inihain sa Senado

Inihain muli sa Senado ang Mandatory SIM Card Registration Bill na nakapasa na sa 18th Congress pero hindi naisabatas matapos i-veto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa muling naghain sa panukala ay sina Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri, Senator Ronald Bato dela Rosa at si Senator Grace Poe.

Layunin ng panukala na masawata ang mga krimen at panloloko gamit ang prepaid sim card gaya ng mga text scam.


Sa kanilang bersyon ay hindi na nila isinama ang probisyon na nag-oobliga sa social media platforms na kunin ang tunay na pangalan at phone number ng gumagawa ng account.

Magugunitang kaya ibinasura ni Duterte ang panukala ay dahil sa nasabing probisyon na patungkol raw sa social media at walang kinalaman sa sim card.

Facebook Comments