
Inihain muli ngayong 20th Congress ni Senator Robinhood Padilla ang panukalang layong palawakin ang access sa medical cannabis bilang medical treatment.
Kabilang ang panukalang medicalization of cannabis sa unang sampung priority bills ng senador.
Pinapayagan sa panukala ang paggamit sa marijuana bilang medical purposes sa mga pasyenteng may debilitating medical condition.
Nakasaad sa panukala ang pagtatatag ng Philippine Medical Cannabis Authority (PMCA) na siyang tatayong pangunahing regulatory agency sa pag-access at paggamit ng medical cannabis.
Matatandaang naunang isinulong ni Padilla ang medical cannabis bill noong 19th Congress subalit bigo itong maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Mataas na Kapulungan.
Facebook Comments









