Panukalang MIF at NCST Program, parehong sinertipikahang urgent ni PBBM

Sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang House Bill 6608 o ang panukalang Maharlika Investment Fund o MIF.

Pasado na ngayon hapon sa 2nd reading ang MIF Bill at dahil certified as urgent ay maaari na itong ipasa rin ngayon ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Ayon sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa ngayon ay umaabot na 280 ang mga kongresista na co-authors ng MIF Bill.


Samantala, sinertipikahan ding urgent ni Pangulong Marcos Jr., ang House Bill 6687 o National Citizens Service Training o NCST Program na pasado na rin ngayong hapon sa ikalawang pagbasa ng Kamara.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng mag-aaral na kumukuha ng degree course sa Public at Private Higher Education Institution at 2 year TVET courses sa mga Tech-Voc Institution ay obligadong na sumailalim sa NCST habang ginawa namang optional ang Reserved Officers Training Corps o ROTC.

Facebook Comments