Panukalang moratorium sa “loan payments” ng mga OFW, pinamamadaling maaprubahan sa Kamara

Minamadali na ng Kamara ang pagpapatupad ng “moratorium” sa pagbabayad ng mga loan o utang ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ngayong may COVID-19 pandemic at sa iba pang “public health emergencies” sa hinaharap.

Ang House Bill 8615 o panukalang “Lingkod Luwag para sa OFWs Act ay patuloy pa rin kasing nakabinbin sa Mababang Kapulungan.

Binanggit sa panukala na maraming OFWs ang apektado ng pandemya kaya para matulungan ang mga itinuturing na “modern-day heroes” ay iginiit na kailangang kumilos ang pamahalaan.


Sakaling maging ganap na batas ang panukala, kabilang sa masasakop ng moratorium sa pagbabayad ay ang mga loan o utang sa:

– Mga bangko at quasi-banks
– Mga pawnshop o sanglaan
– Mga kooperatiba
– Financing, lending, at credit card companies
– Real estate developers
– Insurance companies
– At iba pang pampubliko at pribadong financial institutions

Ang moratorium sa loan payments ay para sa OFWs at “immediate family” nito.

Facebook Comments