Manila, Philippines – Kumpyansa si Senator Antonio Trillanes IV na hindi
lulusot sa Senado ang panukalang ipagpaliban muli ang barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na nakatakda sa buwan ng Oktubre.
Ito ayon kay Trillanes ay kahit pa lumusot sa kamara ang nabanggit na panukala na mgiging daan para bigyan ng pagkakataon si Pangulong Rodrigo
Duterte na makapagtalaga ng mga barangay officials.
Maging sa naging pulong aniya ng majority senadors ay wala ding napagkasunduan hinggil sa postponement ng barangay elections.
Giit ni Trillanes, karapatan ng mamamayan na piliin ang nais nilang lider sa pamamagitan ng pagboto.
Bahala na rin aniya ang taongbayan na huwag iboto ang mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.
Sabi ni Trillanes, walang katiyakan na ang mga itatalaga ng Duterte administration na barangay official ay totoong walang kaugnayan sa illegal drugs.