Pinagtibay ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mag-oobliga sa mga malalaking kumpanya na magpatupad ng programa o polisiya para sa paglikom at tamang pagtatapon ng mga plastic packaging wastes na mula sa kanilang mga produkto.
Inaamyendahan ng panukala ang Ecological Solid Waste Management Act upang maisabatas ang Extended Producer Responsibility (EPR).
Itinatakda ng EPR na responsibilidad ng mga producer, manufacturer at importer ang pagsasagawa ng maayos at epektibong recovery, treatment, recycling o disposal ng kanilang mga produkto na gumagamit ng plastic packaging matapos gamitin ng mga consumers.
Ang mga kompanyang susunod ay pagkakalooban ng insentibo sa buwis pero ang mga lalabag ay maaring pagmultahin ng mula 5 hanggang 20 milyong piso.
Hindi naman saklaw ng panukalang batas ang mga Micro, small and medium enterprises (MSMEs).