Sa botong pabor ng 226 na mga mambabatas ay lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 4337 na magdedeklara sa Ilocos Norte bilang Garlic Capital of the Philippines.
Ayon kay Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba, na siyang may-akda ng panukala, ito ay bilang pagkilala sa malaking ambag ng Ilocos Norte sa produksyon ng bawang sa bansa.
Binanggit ni Barba, na napanatili ng Ilocos Norte ang pagiging top producing province ng bawang sa ambag nitong 55.7% o 4,161 metric tons.
Tiwala si Barba na ang pagsasabatas sa panukala ay magsisilbing inspirasyon para mapaunlad pa ang garlic production sa Pilipinas.
Facebook Comments