Inaprubahan sa plenaryo ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2797 na nagdedeklara sa Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines”.
Nagpasalamat si Senator Lito Lapid sa lahat ng mga sumuporta sa panukala na pagkilala sa kontribusyon ng Pampanga sa mga pagkaing Pinoy at sa cultural heritage ng bansa.
Ayon kay Lapid, isa itong malaking karangalan hindi lamang sa mga kapwa niya Kapampangan kundi sa buong Pilipinas.
Aniya pa, sadyang masarap ang lutong Kapampangan at kanya itong ipinagmamalaki sa buong mundo.
Samantala, nilinaw naman ni Senator Mark Villar na ang panukala ay hindi pagmamaliit sa culinary contributions ng ibang mga lalawigan kundi hina-highlight lamang dito ang natatanging papel ng Pampanga sa paghubog ng mga pagkaing Pinoy.
Kilala ang Pampanga sa pagkaing sisig, bringhe, tibok-tibok, tocino, at kare-kare.