MANILA – Determinado si Sen. Joel Villanueva na tapusin na ang unemployment at underemployment o job skills mismatch sa bansa.Bunsod na rin ito ng inilabas na datus ng Philippine Statistic Authority kung saan bumaba ng 1.1% ang bilang ng mga walang trabaho na nakapagtala ng 5.4% habang 17.3 percent mula sa dating 21% ang underemployment, ngayong taon.Sa interview ng RMN kay Villanueva, binigyan diin nito na hindi trabaho ang kulang sa bansa kundi, kulang aniya ang mga graduates na swak sa trabaho.Sinabi ng senador na ramdam ang job mismatch sa industriya ng Manufacturing, Electronics, Semiconductor at Tourism Sectors.Nito lamang ay inihain ni Villanueva ang Senate bill No. 211 na naglalayong gawing institutionalizing ng Philippine Qualifications Framework at pagbuo ng National Coordinating Council for Education.
Panukalang Naglalayong Tapusin Ang Problema Sa Unemployment At Job Skills Mismatch Sa Bansa, Inihain Sa Senado
Facebook Comments