Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang magpapahintulot sa mga opisyal ng gobyerno at pampublikong guro na magretiro sa edad na 56.
268 na mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala na mag-aamyenda sa Section 13-A of Republic Act 8291 o “The Government Service Insurance System Act of 1997.
Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, milyun-milyong mga mangagawa sa gobyerno ang mabibigyan ng pagkakataon na maagang magretiro para malaan nila ang quality time sa kanilang pamilya bago sila mapahanay sa mga senior citizens.
Layunin ng panukala na sa mas maagang panahon ay mapakinabangan na ng mga taga-gobyerno ang kanilang retirement benefits.
kapag naging ganap na batas ay magbibigay rin ito ng bakanteng posisyon para sa mga nais pumasok sa pamahalaan.