Sa botong pabor ng 23 mga senador kung saan walang komontra ay inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagpapalawig sa estate tax amnesty ng gobyerno.
Ito ay ang Senate Bill Number 2208 na nagpapalawig sa estate tax amnesty ng dalawang taon o mula June 15, 2021 hanggang June 14, 2023.
Ayon kay Commitee on Ways and Means Chairperson Senator Pia Cayetano, kailangang palawigin ang amnestiya dahil marami ang hindi naka-avail nito noong unang maipasa dahil sa COVID-19 pandemic.
Base sa panukala, ang mga nais maka-avail nito ay kailangang mag-file ng estate tax amnesty return sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon sa panukala, ang revenue district officer ng BIR ang mag-iisyu st mag-i-endorse ng acceptance ng payment form na syang batayan para sa tax amnesty payment.