Panukalang nagpapatawag ng hybrid Constitutional Convention para sa Charter Change, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7352 na siyang “implementing bill” ng Resolution of Both Houses No. 6, na nagpapatawag ng Constitutional Convention o Con-Con para sa Charter Change o Cha-Cha.

301 bomoto pabor sa panukala habang 7 ang tumutol na kinabibilangan nina:

– Rep. Gabriel Bordado
– Rep. Arlene Brosas
– Rep. France Castro
– Rep. Edcel Lagman
– Rep. Raoul Manuel
– Rep. Mujiv Hataman
– Rep. Paolo Duterte


Base sa panukala, ang hybrid Con-Con ay bubuuin ng 316 na mga miyembro kung saan ang 253 ay ihahalal kasabay ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa huling Lunes ng October 2023 habang ang 63 naman ay itatalaga ng Senate president at House speaker.

Ang termino ng mga delegado ay mula December 2023 hanggang June 30, 2024 at ang kanilang unang pulong ay idaraos sa Philippine International Convention Center (PICC) sa December 1, 2023.

Isinusulong naman ang ₱10,000 na allowance kada araw para sa bawat delegado maliban pa sa kinakailangang travelling at lodging expenses.

Facebook Comments