Panukalang nagpapatigil sa paggamit ng mother tongue bilang medium ng pagtuturo sa Kinder hanggang Grade 3, ganap nang batas

Ganap nang batas ang panukalang nagpapatigil sa paggamit ng mother tongue bilang medium ng pagtuturo sa Kinder hanggang Grade 3 at nagbibigay ng opsyonal na pagpapatupad nito sa mga monolingual na klase.

Ang Republic Act 12027 ay isang pinagsama-samang House Bill 6717 at Senate Bill 2457 na ipinadala sa Malacañang noong Setyembre 9.

Ito ay nag-lapse into law na ang panukala matapos hindi lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa loob ng 30 araw.


Sa ilalim ng RA 12027, ang medium ng pagtuturo ay dapat bumalik sa Filipino at Ingles hangga’t hindi nakasaad sa batas na may panrehiyong wika na magsisilbing pantulong na medium ng pagtuturo.

Habang, ang monolingual class ay tumutukoy sa isang grupo ng mga mag-aaral na nagsasalita ng parehong katutubong wika at naka-enroll sa parehong antas ng baitang sa isang partikular na taon ng pag-aaral.

Facebook Comments