Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na aabot sa P6.352 trillion ang panukalang 2025 national budget.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mas mataas ito ng mahigit sampung porsyento kumpara sa P5.786 trillion na pambansang pondo ngayong taon.
Sa press briefing matapos ang Development Budget Coordination Committee, sinabi pa ni Pangandaman na katumbas ito ng 22 percent ng Gross Domestic Product ng Pilipinas.
Nakatuon aniya ang 2025 National Budget sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 na layong iangat ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ekonomiya at paglikha ng mga dekalidad na trabaho.
Facebook Comments