Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 5693 o panukalang nagdedeklara sa February 1 ng bawat taon bilang National Hijab Day.
274 na mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala na layuning maimulat ang mamamayan sa kahalagahan ng pagsusuot ng Hijab na isa ring instrumento para labanan ang diskriminasyon base sa relihiyon.
Pangunahing kinikilalang panukala ang mahalagang papel ng kababaihan sa paglikha ng isang matatag na bansa at ang pangangailangan na masigurong nakasaad sa batas ang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan.
Sakaling maisabatas, ay hihikayatin ng panukala ang mga Muslim women at non-Muslim women na magsuot ng Hijab tuwing sasapit ang unang araw ng Pebrero upang maihayag ang karapatan ng mga kababaihan at ang tradisyon ng mga Muslim sa pagsusuot ng Hijab.