Manila, Philippines – Pabor ang may akda ng panukala na Filipino Identification Card System kung sakaling idadaan na lamang ito sa isang Executive Order.
Ito ay dahil nakahanda ang DOF na maglaan ng 2 Billion na budget sa 2018 para sa national ID system gayong naipapasa pa lamang sa 1st reading ang panukala.
Ayon kay Quezon City Rep. Feliciano Belmonte, sapat naman na ang executive order kung ito ang paraan para mapadali ang pagkakaroon ng national ID para sa lahat ng Pilipino upang may iisang ID na lamang na gagamitin sa kada transaksyon sa pamahalaan.
Pero umaasa si Belmonte na maipapasa ang kanyang panukala bago ang 2018.
Minaliit naman nito ang mga panay na bumabatikos sa kanyang panukala.
Mariing tinututulan kasi ng MAKABAYAN sa Kamara partikular ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus ang panukala dahil magiging paraan lamang umano ng pamahalaan ang National ID system na matukoy sa pamamagitan ng mga impormasyon ang mga aktibista at iba pang kalaban ng gobyerno.