Panukalang off-limits sa mga pulis at military, suportado ng ilang labor group

Naniniwala ang grupong Nagkaisa Labor Coalition na dapat off-limits sa mga pulis at militar ang mga paaralan at unibersidad gaya ng University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, dapat hindi lamang umano ang mga unibersidad at mga paaralan ang off-limits sa militar at pulis kundi pati mga pinagtatrabahuan ng mga manggagawa dahil hindi ito “war zone”.

Paliwanag pa ni Atty. Matula, sa ilalim ng Sec 8, Article III of the Constitution, ang mga manggagawa ay maaaring bumuo ng unyon upang alam nila ang kanilang mga karapatan na ginagarantiyahan naman ng ating Constitution, Labor Code at maging ang International Conventions.


Giit ni Atty. Matula na lahat ng mga academic institutions ay espesyal na lugar dahil sa ilalim ng ating batas, ang mga unibersidad at paaralan ay tahimik na lugar kaya’t hindi dapat pamumugaran ng militar at pulis upang hindi mangamba ang mga estudyante at guro ng naturang unibersidad.

Facebook Comments