Panukalang OFW hospital, aprubado na sa House committee level

Aprubado na ng House Committee on Health ang pinagsama-samang mga panukala ukol sa pagtatag ng Overseas Filipino Workers o OFW hospital.

Ayon kay Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na isa sa may akda ng nasabing panukala, ang pagkakaroon ng ospital na nakalaan sa mga OFWs ay paraan ng pagsukli sa kanilang ambag sa bayan.

Tinukoy ni Salo na base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa 1.77 million OFWs ang nagbibigay ng bilyun-bilyong pisong halaga ng remittance na malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.


Sa ngayon ay nakatayo sa San Fernando, Pampanga na isang licensed infirmary na kasalukuyang mayroong 28 bed capacity para sa mga OFWs.

Plano itong gawing 100 bed capacity para maging level 2 government owned and controlled corporation hospital.

Facebook Comments