Kasabay ng panukala ng Department of Education ng pagbabalik eskwela sa huling linggo ng buwan ng Agusto kahit paman sa kalagitnaan ng Covid 19 Crisis, isang Public
Consultation and Dialogue ang isinagawa sa pagitan ng mga guro at mga magulang na pinangungan ni District Supervisor Pia Zamora sa Dinganen .
Tampok sa napag-usapan ang magiging sistema ng eskwela ngayong school year, kabilang dito ,kung magkakaroon ba ng face to face teaching o papasok sa mga classroom ang mga guro at istudyante,: teaching tru TV , tru 2 way radio or tru Modular Teaching.
Samanlata ,aminado ngayon ang District School Supervisor Zamora ng Buldon maging si ABC President Rufo Capada na hindi applicable sa kanila ang naunang proposal ng DEPED na tru ONLINE ang gagawing pagtuturo ,sa kadahilanang bukod sa walang signal ng Internet sa area, karamihan sa mga mag-aaral ay walang computer at cellphone.
Present naman sa meeting si Mayor Abolais Manalao na nagpaabot ng kanyang pagsuporta sa mga programa ng Deped ngayong panahon, ngunit nanawagan na sanay maisiguro ang kaligtasan ng bawat istudyante at mga guro kontra Covid 19 kung tuluyang magbabalik eskwela ang mga ito sa Agusto.
Ang ng Buldon ay isang liblib na bayan ng Maguindanao ngunit may nag-uumapaw na mga inisyatiba sa Edukasyon. Sa katunayan kabilang sila sa finalist sa 2019 National Seal of Good Education Governance
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>