Panukalang Ordinansa para sa mga ‘Solo Parent’, Aprubado na!

84

*Cauayan City, Isabela-* Aprubado na sa konseho ng Lungsod ng Cauayan ang ordinansang sesentro sa hanay ng mga Solo Parent na layong mabigyan ng tulong ang mga ina o ama na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Garry Galutera, may akda ng nasabing ordinansa, nagpapasalamat siya dahil sa pagkakapasa ng ordinansa dahil isang malaking tulong aniya ito sa mga single parent na nagtataguyod sa kanilang pamilya.


Kaugnay nito ay isasapinal pa ang inilaang 1-Million pesos na budget para dito bago pirmahan ni City Mayor Bernard Dy.

Nagpapasalamat naman si Coun. Galutera sa lahat ng tumulong at sumuporta upang maipasa ang nasabing ordinansa.

Facebook Comments