Panukalang P100 na umento sa sahod, mapanganib para sa pribadong sektor ayon sa ECOP

Hindi sang-ayon ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa panukalang P100 umento sa sahod sa mga manggagawa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz Luis, na hindi makikinabang ang 84% na nagtatrabaho sa informal sector na walang mga employer gaya ng mga vendor, magsasaka, mangingisda, tricycle at pedicab drivers, at maging mga tour guides.

Magiging “catastrophic” o peligroso lamang aniya ang magiging panukala dahil mali ang pinagbabasehang impormasyon ng mga mambabatas.


Minadali aniya ng mga senador ang hearing sa panukala at hindi man lang tinawag ang mga stakeholder.

Paliwanag pa ni Ortiz-Luis na kahit taasan ng suweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor, ay magiging pansamantala lamang ito dahil mawawala rin ito kapag inabutan ng inflation.

Facebook Comments