Panukalang P5.024 trillion national budget sa 2022, ipapasa na ng DBM sa August 23

Nakatakda nang ipasa ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang P5.024 trillion national budget para sa taong 2022.

Ayon kay DBM Spokesperson at Assistant Secretary Rolando Toledo, tinatarget nila itong gawin sa ika-23 ng Agosto alinsunod sa tatlumpung araw na constitutional deadline.

Ang panukalang 2022 pondo ay mas mataas ng 11.5% sa P4.5-trillion fiscal program ngayong 2021.


Katumbas din ito ng 22.8% Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Sa ngayon, binigyan na ng go signal ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang panukalang pondo para sa 2022.

Facebook Comments