Panukalang P5.4 trillion national budget para sa 2022, pipirmahan na ngayong araw ni Pangulong Duterte

74

Pipirmahan na ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ₱5.4 trillion national budget para sa 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, gagamitin ang pondo sa 2022 national budget para sa pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Nakalaan din dito ang pondo para sa mga COVID-19 related allocations kasama na ang ₱50 billion na special risk allowance ng medical frontliners at ang pagbili ng COVID-19 vaccines para sa booster shots.


Matatandaang hindi natuloy ang paglagda ni Pangulong Duterte sa panukalang budget nitong Martes.

Facebook Comments