Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang 5.768 trillion pesos national budget para sa susunod na taon.
Kinumpirma ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kasunod ng isinagawang Cabinet meeting kahapon.
Ayon sa kalihim, ang panukalang pondo ay nakatuon sa pagbibigay prayoridad sa mga gastusin para sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa at pagtugon sa epekto ng inflation at pandemya.
Nakalinya rin ito sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon at sa mga layunin ng Philippine Development Plan 2023-2028.
Nakatakda namang isumite ng dbm sa kongreso ang panukalang budget, ilang linggo pagkatapos ng SONA ni Pangulong Marcos sa Hulyo.
Facebook Comments