Pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Miyerkules, December 20 ang panukalang pambansang pondo na nagkahalaga ng P5.768 trilyon.
Ito ang kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez sa panayam ng media sa Okura Hotel sa Tokyo Japan na sidelines sa ginanap na Commemorative Summit for the 50th Year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.
Ayon sa House Speaker, nai-transmit na sa Office of the President ang Bicameral Conference Committee version ng national budget.
Kampante rin si Romualdez na walang anumang bahagi ng 2024 budget ang ive-veto ng presidente.
Dumaan na kasi aniya ito sa parameters at naging mahigpit ang ugnayan ng bicameral sa Office of the President at lahat ng department ng pamahalaan habang isinasaayos ang version ng 2024 national budget.