Panukalang pa-galis ng VAT sa low cost housing, pinalagan ni Senator Villar

Manila, Philippines – Mariing tinutulan ni Senator Cynthia Villar ang panukalang alisan Value-Added Tax o VAT exemption ang mga low cost housing na nagkakahalaga ng hanggang tatlong milyong piso.

Ang pahayag ay ginawa ng senadora sa pagdinig ng Committee on Ways and Means na pinamumunuan Senator Sonny Angara ukol sa reform program ng administrasyong Duterte.

Agad naman nilinaw ni Villar na walang kinalaman sa kanyang paninindigan ang real estate business ng kanyang pamilya.


Diin ni Villar, ang pagtutol niya sa nabanggit na panukala na isinusulong ng Department of Finance ay para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ang mga OFWs kasi aniya ang kadalasang bumibili ng abot kayang pabahay mula sa salapi na pinaghirapan nilang ipunin sa pagtatrabaho sa abroad.

Dagdag pa ni Villar, dapat bigyang konsiderasyon ang panig ng mga OFWs dahil sa laki ng ambag ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments