Tututukan ang programang pabahay para sa mga homeless Pangasinense na nilagdaan nito lamang Oktubre 17 ng Provincial Government ng Pangasinan kasama ang mga kinatawan ng naturang ahensya ng Memorandum of Agreement (MOA).
Katuwang ang pamahalaang lalawigan ng pangasinan at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang Attached Shelter Agencies maging ng Presidential Commission for the Urban Poor para sa isasagawang pabahay, handog sa mga homeless na residente ng nasabing probinsya.
Ang resolusyon naman ay inihain ni Sangguniang Panlalawigan Member Philip Cruz, na agad namang inaprubahan ng lahat ng miyembro ng Provincial Board sa isinagawang regular session.
Layunin ng programa na makapagbigay ng disente at murang pabahay para sa mga mapipiling benepisyaryo. |ifmnews
Facebook Comments